Namiss ko to!
March 14, 2010Matapos ang isang taon at ilang buwan, sa wakas pinayagan na rin ako ng hari ng Tumana na mag duty ng 10pm-6am.. Pokpok na oras nga kung iisipin pero gusto ko talaga itong schedule na ito… Bakit nga ba??
Una, para umiwas kay haring araw, El Nino na dito sa Pinas, kapag 6-3pm kasi kasikatan ng araw ang uwi ko at pag 1-10pm naman kasikatan ng araw ang pasok ko… Ayoko kay haring araw, pakiramdam ko kasi galit sya sakin dahil kasi sa tuwing natatapat ako sa kanya, feeling ko gusto niyang sunugin ang mala-singkamas kong balat (yabang ba?). Gigil na gigil siya sakin kaya pinag papawisan ako ng sobra-sobra habang naglalakad ako mula office hanggang EDSA or vice versa papasok man o pauwl. Jahe tuloy pumasok sa office, hindi ko kasi maiwasang mag amoy araw, (sa kapal ba naman ng uniform na suot ko Mon-Thur..) habang bumebeso-beso sa mga officemates at amigas at mas lalong jahe naman kapag uwian na lalo na kung may makakatabi akong jun-jun sa bus (hala.. hindi ata bagay sakin sabihin yun?) hahaha. Yan tuloy, alin man sa dalawang schedule na yan kinakailangan ko pang humingi ng tulong kay sunscreen o kay UV protect o SPF 15 to 30 … makaiwas lang kay haring araw. Pero pag GY ang schedule ko, wala na si haring araw pag papasok ako, lumitaw man sya sa pag uwi ko, sandaling sandali lang yun at sinisigurado ko sa inyo na laging maganda ang gising nya, bigyan ba naman ako ng sunshine vitamin every morning, hahaha.
Pangalawa, para makatipid. Sa paanong paraan?? Eto ipapaliwanag ko. Kapag 6-3pm kasi ang schedule ko, napapabili ako ng breakfast sa umaga, hirap kaya mag trabaho ng walang laman ang tyan. Bumibili rin ako ng rice for lunch (madalas kasi may baon akong lutong ulam ni nanay) pero minsan napapabili rin ako ng meal kapag tinamad mag luto si nanay. Ang gastos diba, dalawang meal sa walong oras hindi pa kasama diyan yun picka-picka pag nagkayayaan. Sa hapon naman pag uwi ko, dahil sa mall ang daan ko napapabili ako ng food or drinks, hirap din kaya bumyahe ng dalawang oras nang gutom. Kapag 1-10pm naman ang schedule ko napapabli ako ng meryenda sa hapon, maaga kasi ang lunch ko - 10am (breakfast and lunch in one na yun ha) kumakain na ko sa bahay before ako pumasok pero syempre hindi naman sapat yun at gugutumin talaga ko sa office lalo na at bumyahe ako ng 2 oras at umakyat baba sa MMDA overpass sa EDSA hanggang office habang pinag iinitan ako ni haring araw. Nkaka gutom yun kaya sa gabi, hala sige bile ng pagkain mapagbigyan ko lang ang nagdadabog kong tyan sa gutom. Pero pag GY ang schedule ko sobrang tipid.. Sa bahay na ang breakfast, lunch at dinner ko at pag dating ko sa office, mainit na kape lang sabayan ko pa ng pambansang skyflakes SAPAT na, P20 lang sa pagkain plus ang naka budget na pamasahe tapos na ang araw ko, ang saya diba?
Pangatlo, para hindi ko na maistorbo si Tatay. Bakit? Eh kasi pag 6-3pm ako, hinahatid ako ni tatay sa sakayang bus wala pa kasing bumabyaheng tricycle samin ng ganun kaaga. (Note : para makaluwas ako kailangan ko munang sumakay ng tricycle sa labas ng bahay namin (P22 fare) para maihatid ako sa Poblacion. From Poblacion, sasakay naman ako ng pampasaherong jeep na byaheng Bocaue, Marilao, Meycauayan etc.. (P7 fare) para makababa ako sa Bocaue Tolgate. Sa Bocaue Tolgate kasi ang sakayan ng bus paluwas ng Maynila (P40 fare - hanggang Ortigas Ilalim na yun). Balik tayo sa tatay… kaya ayun kasabay ko syang gumising ng 3:30am tapos hihintayin nya kong matapos mag ayos at umalis ng 4:20am para maihatid nya ko sa Bocaue Tolgate para makasakay ng bus. Kapg 1-10pm naman ako, iniistorbo ko naman sya sa mahimbing nyang pagtulog dahil mag papasundo ako sa hating gabi. 12am to 12:30am na kasi ako nakaka uwi, pahirapan na kasing sumakay ng bus pauwing Bulacan sa ganung oras (Salamat nga kay Bro at hindi ko pa nararanasan na maiwan ng last trip ng bus). Pero pag GY ako, hindi ko na na kailangan istorbohin si Tatay para magpahatid or magpasundo kasi available pa naman ang lahat ng transportation mode ng ganung oras.
At last but not least ika nga ng iba…. Malaya kong nabibisita ang tila napag iwanan kong blog dahil sa luwag nang oras ko sa GY shift. Malaya akong nakakapag sulat ng kwento habang nag babatch ang Cardpro. (isama ko na rin ang movies at internet surfing) hahaha.. Namiss ko to! sobra.. (Back to work na ko, up na ang CardPro, tsk…)






