Home » Tags
...

the great pretender

May 26, 2010

Daming ganyan… Ewan ko ba. Naglipana sila. Hirap nga nito daig pa nila ang artista sa big screen kung magpanggap kaya tuloy ang manonood mabilis na mapaniwala.

Meron ako kakilala isang babae, tunay na mapag-panggap. biruin mo kapag wala ang bantay wala siyang ginawa kundi mag internet at mag patugtog nang music. panay ang chat nito kahit oras ng trabaho madalas pa naka online at nagbabasa ng kung anong anik-anik sa internet at pag andyan na ang bantay wari mo hirap na hirap sa trabaho at nag bu-busy-busyhan… pumasok ka lang ata para mag internet, at may nalalaman ka pang rules and regulations sa trabaho na bawal ang internet, eh ikaw nga tong pasimuno sa pag ssurf ng net.. Meh ganun?

Nkakatawa nga tong pag masdan habang nagmamadaling patayin o hinaan ang sounds ng kanyang cpu. Kamusta naman yun??

Isa pa, panay ang overtime nito, wala naman ginagawa… pumapasok pa ng 7 days na hindi alam ng bantay. anu naman ang ginagawa mo? nagpapayaman ka lang ba sa kunwaring overtime (na wala namang ginagawa kundi ang mag kwento ng kayabangan dahil sa pakiramdam mo ay alam mo ang lahat at pinipilit mong ikaw ang laging tama..) ikaw na

ah okey… well kung sa bagay, anu pa nga ba ang magagawa ng mga iilan - ilan sa loob na wala naman laban sayo, ilan lang sila sa mga nagsisipag sa trabaho at hindi kagaya mong nagpapalakas lang at nagpapanggap. sige, nabilog mo nga ang ulo ng bantay sa pagpapanggap mo pero tandaan, marami ang nagmamatyag sayo at balang araw matutuklasin din ang misteryong itinatago..

 

Posted by annetoots at 8:52 pm | permalink | Add comment